I feel so empty na, I want to cry but I can't. Hindi pa nilalabas results ng ranking namin pero feel ko hindi na ako ang first honor. Ang tagal kong naging first honor saaming magkakaklase, ever since grade 7 pa and grade 10 na kami now. Sinabi ng teacher ko kahapon na nagulat daw siya sa rankings ngayong quarter, of course pwede namang iba yung kinagulatan ni ma'am, pero I can't help but overthink tlga eh. Tapos nagsend ng message yung isang teacher namin sa gc announcing (name ng classmate ko na posibleng new first honor) to prepare a short prom message. Bakit hindi ako? Bakit siya? Usually kasi ako ang pinapagawa nila ma'am. Ngayon na ang card showing namin and ang hirap parin sakin na tanggapin. I'm happy for her because she is one of my bestfriends pero what will others think of me? what will my parents and relatives think? Ang hirap kasi naprepressure na'ko sakanila, ang dami nilang expectations saakin, sobrang taas. Sa sobrang taas iniisip ko ba kung kaya ko ba? Um-oo nalang ako pero alam kong mahihirapan ako, ginawa ko yun para di sila madissapoint saakin. Lagi nila akong cinocompare, bata palang ako. Sa kaklase, sa kaibigan, sa kapatid ko, kahit kanino. Kung wala yung high grades ko, ano ako? Wala namang papansin saakin if it weren't for my high grades.
anonymousOther February 19, 2026 at 10:26 pm00
Rant Tags
Get Social and Share