Alam kong maraming taong nakaranas sa buhay ng pagkawalang pag-asa, nawawalan ng gana sa lahat. Ako’y isang teenager, papunta palang sa realidad ng buhay. Marami akong katanungan na walang kahit sinong makakapagsabi ng sahot. Tungkol lamang sa buhay. Kung magtanong man ako sa mga naranasan na, malamang may maisasagot sila, ngunit sa bawat bigkas ng kanilang mga bibig at bitaw ng salita, ni isa wala akong nagugustuhan, dahil siguro hindi ko mahanap o marinig mula sakanila ang mga bagay na gusto kong marinig. Ang iba’y masasakit, ang iba’y tukso, ang iba’y praktikal, ang iba’y pabiro, ang iba’y seryoso. Lahat, iba-iba ngunit parang walang pagkakaiba. Sa dami’y hindi ko alam kung sino paniniwalaan at pakikinggan. Kaninong tinig? Kanino? Sino? Sa daming taong nagbibigay ng lakas, ngunit kanino ba dapat hingan ng tunay na lakas, sino ang pakikinggan, sino ang lakas? sino ang tunay? Sa lahat ng ‘yon, sa huli, ako din, sarili ko ang tunay, ang magbibigay lakas, ang tinig na hinding hindi sinusunod at pinakikinggan simula pa ng una. Ngayon, alam ko na kung ano ang dahilan ng pagkabuhay ko sa mundo. Patuloy kong hinahanap ang purpose ng buhay ko sa mundo, ngunit nagpakita at narito lang pala saakin mula pa noon. Ignorante kasi ako. Tama nga din sila, ang karanasan ang magbibigay sayo ng dahilan at lakas para lumaban sa buhay, sila rin ang makakapagbigay sayo at ipapaalam sa’yo kung ano ang purpose mo dito sa mundo. Mapa-bad experience o good man, makikita’t makikita mo dahil sa ibang tao, ngayon, ipagpapatuloy ko na ang buhay ko. Hindi man agad, pero unti-unti ko ibabalik sarili ko.
Ivory Home November 23, 2026 at 11:37 am00
Rant Tags
Get Social and Share