best dating

inner thoughts

inner thoughts

diko alam pano ko nagagawang makaisip ng masama tungkol sa'yo. siguro dahil sobrang sakit ng pinararamdam mo sa'kin. kaya para di ako masaktan, nagagalit nalang ako.

nakakainis talaga isipin na nagagawa mo paring lapitan at tawaging "kaibigan" ung babaeng alam mong may gusto sa'yo.

nakakainis, dimo alam na napapansin kong nagpapapansin ka sakanya. di sapat ang ebidensya ko, at mas lamang lahat ng magaganda at mabuting ginawa mo sakin kaya hindi kita mabitawan.

alam mong mananatili ako sa'yo kahit na anong mangyari. wala akong pruweba na sinasadya mong saktan ako emotionally, at ayoko ring magmukhang masamang tao kung iiwanan man kita. kasi kilala ka ng lahat bilang isang "mabuting boyfriend". na ang suwerte suwerte ko sa'yo. pero sa totoo lang, alam kong ginagawa mo lang lahat ng yan para makahakot ng compliments at mga babae.

pero alam koring dimo ko iiwan. hindi ka mambababae, pero gustong gusto mo kasi na pinupuri ka ng mga tao. kaya ginagawa mo lahat para mapansin ka nila.
anonymous Relationships December 07, 2025 at 12:09 am 0
Rant Tags
Get Social and Share
Post a Comment
Text Only. HTML/Code will be saved as plain text.
Optional. Include your First Name in your Comment.